^

Police Metro

2 traffic enforcers naaktuhan sa kotong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang traffic enforcers ang natimbog  ng mga operatiba ng  PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) sa isinagawang entrapment operation matapos nilang kotongan ang ilang motorista sa Pasig City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Chiquito Malayo ang mga naarestong suspect na sina PO3 Higino Dancel at SPO1 Johan Vega ng Traffic Division ng Pasig City Police.

Bandang alas-6:05 ng gabi ayon kay Malayo nang  masakote ang dalawang traffic enforcers sa  kanilang tanggapan sa Brgy. Caniogan sa lungsod ng Pasig matapos na ireklamo ng mga motoristang nabiktima ng mga ito.

Ayon sa imbestigasyon, hi­nihingan umano ng dala­wang parak ng P10,000.00 ang kanilang huling biktima kapalit ng traffic investigation report para sa insurance claim ng nabangga ng mga itong sasakyan gayong ito’y libre lamang na ibinibigay.

Nang mabatid ang insidente ay agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad at nahuli sa akto ang dalawang parak habang tinatanggap ang P 10,000.00 marked money.

Hindi na nakapalag ang mga ito matapos na arestuhin ng mga pumosteng CITF operatives at narekober sa mesa ng dalawang parak ang marked money na ginamit sa operasyon. Ang dalawang pasaway na traffic enfor­cers ay dinala na sa tanggapan ng PNP CITF Headquarters sa Camp Crame.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng kotongerong traffic enforcers.

PNP-CITF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with