MANILA, Philippines - Don’t be surprised if they are killed one of these days”.
Ito ang naging babala kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga police “scalawags” na umayaw na maipadala sa Basilan.
Magugunita na kamakailan lang ay nagpalabas ng kautusan si Duterte sa pagpapatapon ng mahigit 300 tiwaling pulis sa Basilan na isa sa paraan na malinis ang pulisya sa mga katiwalian.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga pulis na ayaw sumunod na maipadala sa Basilan o yun mga may mga criminal records ay humanda nang mamatay.
“I would like to warn the -- I will not spare you, mauna talaga kayong mamatay. Kapag nagkamali kayo, mauna kayong mamatay. Mabubyuda talaga ang asawa mo… Special targets kayo,” wika Duterte sa interview sa reporters sa Malacañang.
Hiniling ni Pangulong Duterte sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bumuo ng isang task force na para lang manmanan ang mga galaw o aktibidades ng mga police scalawags.
“I have requested the police to form a squad at bantayan ang mga pulis na naalis na sa mga trabaho. Most of them are ninjas, so they are high in the list and don’t be surprised if they are killed, because they are wanted,” wika ni Duterte.
“Kapag nawala yun sa trabaho, they will continue their plunder, they will continue with their crime. So meron talagang tiga silip sa kanila from time to time.”
Nabatid na nasa 50 lang sa mahigit 300 scalawag cops ang naipadala sa Basilan noong nakaraang linggo.