Konsehal tiklo sa droga

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga pulis ang isang konsehal ng bayan ng Guindolongan, Maguindanao sa isinagawang drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM kasama ang mga sundalo mula sa Army’s 40th Infantry Battalion.

Ang suspek ay kinilalang si 1st Guindulongan councilor Dennis Sandigan Utto alyas Basuka Ulint na natimbog ng mga otoridad sa hideout nito sa Barangay Mileb, Rajah Buayan, Maguindanao sa isinagawang buy bust operation.

Sinabi ni PDEA ARMM Director Bryan Babang na lumipat ng tirahan si Utto matapos ng dalawang beses na pagtatangka ng PDEA ARMM na hulihin siya noong nakaraang taon.  

Ayon kay Babang, natunton nila ang pinagtataguan ni Utto sa tulong na rin ng kanilang mga informant sa lugar.  

Si Utto ay high valued target level 3 at pangalawa sa target list ng Maguindanao-PNP na matagal ng pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa lalawigan.

Show comments