MANILA, Philippines - Puwersahang pinasok ng mga hindi pa kilalang suspek ang bahay ng isang engineer ng Municipal Planning and Development Officer ng bayan ng Jiabong, Samar at walang kaabog-abog na pinagbabaril kahapon ng madaling araw.
Namatay noon din ang biktimang si Engineer Dan Daradal dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pasukin ng apat kalalakihan ang bahay ng biktima na mahimbing natutulog at kinaladkad palabas ng kaniyang bahay at dinala sa likuran ng kaniyang bakuran saka ito pinagbabaril sa kabila nang pagmamakaawa nito.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.