MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na umano ay sangkot sa illegal drugs ang pinagbabaril at napatay sa magkahiwalay na krimen sa Pasig City at Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nasawi noon din ang vendor na si Regino Salazar, 49, alyas Hustler ng Luis St., Brgy. San Miguel, Pasig City nang pagbabarilin ng riding in tandem habang naglalakad sa Luis St., dakong alas-6:30 ng gabi.
Nabatid na ang biktima na sinasabing kilalang drug personality sa kanilang lugar ngunit tumangging sumuko sa Oplan Tokhang.
Patay din ang isang hindi pa kilalang lalaki na may tatto sa katawan na Bahala na Gang nang pagbabarilin sa ilalim ng tulay sa Binondo, Manila kahapon ng alas-12:05 ng madaling araw ng hindi pa kilalang suspek.
Ang biktima ay nasa 35-40 anyos, may taas na 5’5” na kung saan ay narekober ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 baril at limang plastic sachet ng shabu kaya’t hinala ng mga otoridad na posibleng may kinalaman sa illegal drugs ang pagpatay.