3 lady judges hawak na ang kaso ni Leila

MANILA, Philippines - Nai-raffle na ang tatlong kasong droga na kinakaharap ni Senator Leila De Lima na hawak na ngayon ng tatlong judge ng Muntinlupa City Regional Trial Court.

Nabatid na ang magkakahiwalay na kaso ni De Lima, na may kinalaman sa droga ay na-raffle kahapon sa sala nina Judges Juanita Guerrero, ng Muntinlupa City RTC, Branch 204; Amelia Fabros-Corpuz, ng Branch 205 at Patria Manalastas-De Leon, ng Branch 206. Si De Lima ay nahaharap sa kasong non-bailable o walang piyansa, sa pag­labag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act).

Pinag-aaralan na sa ngayon ng tatlong judge ang kaso ni De Lima bago mag-isyu ng warrant of arrest.

Nag-ugat ang pagsampa ng kaso laban kay De Lima at sa mga kapwa nito akusado base sa mga naging testimonya ng ilang inmates ng NBP na tumanggap umano ito ng pera mula sa droga habang ito ay kalihim pa ng DOJ.

Show comments