^

Police Metro

Bus salpok sa poste... trahedya sa field trip: 14 todas!

Joy Cantos, Mer Layson - Pang-masa
Bus salpok sa poste... trahedya sa field trip: 14 todas!
Ang malagim na itsura ng ‘total wreck’ na bus na sinakyan ng mga estudyante ng BestLink College of Novaliches, QC matapos itong sumalpok sa isang poste sa lugar ng Magnetic Hill sa Peligrino Farm Sitio Bayukan Brgy. Sampaloc, Tanay Rizal. Nauwi sa trahedya ang masaya sanang camping ng mga estudyante kung saan 14 ang nasawi sa naturang aksidente.
Michael Varcas

MANILA, Philippines - Nasawi ang 14 katao, kabilang ang 13 na estudyante at isang driver, habang mahigit sa 20  ang sugatan, nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ang sinasakyan nilang tourist bus habang patungo sa isang camping site sa Tanay, Rizal kahapon ng umaga.

Tumanggi pa muna ang mga awtoridad na ibigay pa ang pangalan ng mga nasawi dahil hindi pa alam ng kani-kanilang pamilya.

Ang mga  biktima ay pawang nagkaka-edad ng mula 17 hanggang 24 taong gulang, at mga estud­yante ng Bestlink College Novaliches, na matatagpuan sa Quezon City.

Nabatid na 10 sa mga estudyante ang dead on the spot sa aksidente at tatlo ang dead-on-arrival sa pagamutan.

Binawian na rin naman ng buhay ang driver ng tourist bus na si Julian Lacorda, 37, na sinasabing may tatlong buwan pa lamang umanong nagtatrabaho sa naturang kumpanya ngunit dati itong nagtatrabahong driver sa ibang bus company.

Mahigit sa 20 ang sugatan at sinasabing 16 sa kanila ang kritikal matapos na magtamo ng mga sugat sa ulo at bali sa kanilang katawan, at 19 sa kanila, na pawang nasa Amang Rodriguez Hospital ay nakilalang sina Richard Gallego, 24; Jeffrey Epino, 24; Philip Molina, 21; Jerwin Abulag, 18; John Loyd Besagas, 17; Jasmin Samauna, 18; Rico Melendrez, 18; Arvin Abarcar, 17; Adrian Lamoste, 23; Anthony Melgarejo, 22; Raymond Pee, 20; Sheila Mae Serapel, 20; Edgar Quinones, 25; Mark Briones, 19; Marisol Batacap, 18; Hazel Buram, 19; Dana Erica Lozendo, 19; Chonalyn Ong, 18; at Mark Barcelona, 24.

Batay sa ulat ni Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) chief Dong Malonzo, sakay ng isang Panda Coach bus, na may plakang TXS-325, at nirentahan lamang ng Harana Tours, ang mga biktima at patungo sana sa Sacramento Valley Resort para sa tatlong araw na camping, nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang bus at bumangga sa isang poste ng kuryente ng Pelegrino Farm, bisinidad ng Magnetic Hills, sa Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc sa Tanay, dakong 8:40 ng umaga.

Ayon  kay Tanay MDRRMO chief, Engineer Carlos Inofre, ang mga sugatan ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan, kabilang ang Rizal Provincial Hospital, Tanay General Hospital, Camp Mateo Capinpin Hospital, Tanay Community Hospital, Army Station Hospital, at Amang Rodriguez Hospital.

Sa kuwento naman ni Rolluna Nesher, estudyanteng sinuwerteng makaligtas sa trahedya, hindi naman mabilis ang takbo ng kanilang bus nang maganap ang aksidente.

“Ang huli kong naaalala ay nawalan kami ng preno. Nakakaamoy kami ng nasusunog na goma. Hindi naman po mabilis ang takbo ng bus,” salaysay pa ni Nesher.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Panda Coach Tours & Transport Inc. na tutulungan nito ang mga biktima ng aksidente, partikular na sa mga gastusin sa pagpapalibing at pagpapa-ospital ng mga bata.

BUS SALPOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with