MANILA, Philippines - Nabigo si Senator Leila De Lima na makakuha ng kautusan mula sa Court of Appeals (CA) na itigil ang isinasagawang preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay sa kasong drug trafficking na isinampa sa kanya na may kaugnayan sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa tatlong pahinang resolusyon na may petsang February 10, 2017, ibinasura ng appellate court’s Special 6th Division ang hiling ni De Lima para sa temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction (WPI), na nagbibigay ng daan sa DOJ na ituloy ang imbestigasyon sa reklamong isinampa ng National Bureau of
Investigation (NBI), Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda and Ruel Lasala, at NBP inmate Jaybee Sebastian.
Ang resolusyon na ginawa ni Associate Justice Nina Antonio-Valenzuela, na nabigo si De Lima ng katibayan para patigilin ang imbestigasyon.
Patuloy na didinggin ng CA ang petisyon ni De Lima laban sa justice department, kaya’t binigay ang DOJ ng 10 araw para magkomento at inatasan din si De Lima na maghain ng kaniyang reply sa loob ng 10 araw kapag natanggap na ang comment ng DOJ.