^

Police Metro

CA hindi haharangin ang DOJ probe vs Leila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabigo si Senator Leila De Lima na makakuha ng kautusan mula sa Court of Appeals (CA) na itigil ang isinasagawang  preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay sa kasong drug trafficking na isinampa sa kanya na may kaugnayan sa  illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa tatlong pahinang resolusyon na may petsang February 10, 2017, ibinasura ng  appellate court’s Special 6th Division ang hiling ni De Lima para sa  temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction (WPI), na nagbibigay ng daan sa  DOJ na ituloy ang imbestigasyon  sa reklamong isinampa ng National Bureau of
Investigation (NBI), Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda and Ruel Lasala, at NBP inmate Jaybee Sebastian.

Ang resolusyon na ginawa ni Associate Justice Nina Antonio-Valenzuela, na nabigo si De Lima ng katibayan para patigilin ang  imbestigasyon.

Patuloy na didinggin ng CA ang petisyon ni  De Lima laban sa justice department, kaya’t binigay ang  DOJ ng 10 araw para magkomento  at inatasan din si De Lima na maghain ng kaniyang reply sa loob ng 10 araw kapag natanggap na ang comment ng DOJ.

 

LEILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with