^

Police Metro

3 drug den sa Pasig, nabuwag ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabuwag ng mga tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong drug den na magkakasunod nilang sinalakay  sa Pasig City kamakailan.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, ang iligal na pasilidad ay pag-aari at ino-operate nina Gary Jose Gutierrez, Edelyn Fantilaga, alyas Beng, at Climaco Dionaldo Jr., alyas Jun.

Sina Gutierrez at Dionaldo anya ay mga lider umano ng ‘Tanda Drug Group’ at  ‘Asilo Drug Group’, na nag-o-operate sa Metro Manila, partikular sa Pasig City.

Isinagawa ang pagsalakay sa tahanan ng tatlong nadakip na nagsisilbing drug den sa Villa Monique, Esguerra Street, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, dakong alas-3 ng nakaraang Lunes ng hapon.

Nasamsam sa operasyon ang kabuuang 38 transparent plastic sachets ng shabu na tinatayang may timbang na 105 grams, at nagkakahalaga ng P430,000 at mga drug paraphernalia.

Bukod dito umaabot sa 36 nilang parukyano ang naaktuhang gumagamit sa naganap na raid. Hindi naman inabutan ang iba pang target ng warrant na nakilalang sa pangalang Nanay Liony, drug den owner, at asawang si Abejuela. Sila ay pinaghahanap na ng PDEA.

ISIDRO S. LAPEñA

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with