^

Police Metro

Partylist solon, tinanggal

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tinanggal na bilang second nominee at mi­yembro ng Kabayan party­­list si Congressman Ron Salo at tatlong iba pa na kasama ng kongresista sa ginanap na special party congress assembled na dinaluhan ng ilang Comelec Representatives.

Bukod kay Salo sinibak din sina Pedro Parrocho, Joshua Sebastian, at Vic Caguimbal sa Ka­bayan partylist dahil sa pag­labag sa kanilang Cons­titution and By-Laws na nilagdaan ng mga du­malo sa delegasyon.

Binalewala rin ng Comelec-registered vo­ting members ng Kaba­yan ang binuo ni Salo na “Board of Trustees” na hindi naman kinikilala at hindi nag e-exist sa ilalim ng kanilang Constitution and By laws.

Si Parrocho, Sebastian, at Caguimbal ay mi­yembro ng Board of Trus­tees na illegal umanong itinatag ni Salo.

Sinabi ni Kabayan Secretary-General Rogel Navarro sa katunayan ay maraming opisyal at miyembro na dumalo sa Special Party Congress ay nagulat na ang nasabing board ay itinatag ng hindi nila alam.

Nakasaad sa Section 1 ng Article IV ng Kabayan Party-list Constitution and By-Laws na ang party Congress ang siyang highest policy-making body ng partido, may kapangyarihan itong mag-elect at magtanggal ng miyembro na lalabag sa kanilang by laws.

Pinawalang bisa din ng Special Party Congress ang ipinalabas na Resolution No. 2017-01 ni Salo na nagtatanggal kay Roque bilang Kabayan Party list nominee, nilinaw ng partido na nanatiling First Nominee ng partido si Roque.

RON SALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with