^

Police Metro

4 ERC commissioner pinatitigil ang hearing - Rep.Quimbo

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Binatikos ni House Deputy Speaker Miro Quimbo ang apat na  commissioners of the Energy Regulatory Commission nang pagtulungan nito si ERC Chairman and CEO Jose Vicente Salazar sa isang joint hearing ng House Committees on Good Government and Public Accountability at Energy na sangkot umano ito sa korapsyon na  hindi  ginawa ng mga ito noong panahon ni Zenaida Ducut.

“Bakit ngayon lang kayo nag-iingay e si Ducut nga dawit sa Napoles scam, billions of pesos ang involved. Damay ang ERC sa mata ng publiko ay hindi man lang kumibo kayong apat na nagpapatunay lang namimili kayo kung sino ang babatikusin nyo”, wika ni Quimbo.

Ang mga binatikos ni Quimbo ay sina Commissioners Josefina Asirit, Gloria Victoria Yap-Taruc, Geronimo Sta. Ana at Alfredo Non na dumalo sa congressional inquiry upang alamin ang umano ay korapsyon na naging dahilan nang pag-suicide ni ERC Director Jun Villa noong November 2016.

Anya,ang apat na ERC commissioners ay nagpahayag ng pagdududa at inakusahan si Salazar ng conflict of interest at hiniling pa na itigil na ang pag-iimbestiga sa umano’y korapsyon ng ahensiya.

Ayon kay Quimbo,na naging tahimik ang apat na commissioners nang si Zenaida Ducut pa ang ERC chief na hiniling ng House at  Senate na magbakasyon sa puwesto matapos na masangkot sa P10-billion pork barrel scam na kagagawan umano ni Janet Lim-Napoles batay sa testimonya ni Benhur Luy sa NBI na ito ay laging bisita ni Napoles sa ika-25 palapag ng opisina sa Discovery Suites sa Pasig City.

 

MIRO QUIMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with