MANILA, Philippines – Isang sanggol ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa Las Pinas, kamakalawa ng hapon.
Bukod dito, 100 kabahayan ang natuypok ng apoy, habang nasa 300 pamilya naman ang naapektuhan.
Sa naantalang report na natanggap ni FO3 Joel Pascua, ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection, ang nasawing biktima ay nakilalang si Christian Jay Awitin, isang taong gulang na sinasabing naiwan ng kaanak sa nasusunog nilang
Nagtamo naman ng gasgas sa kanilang katawan sina Ronaldo Lamanilao, 50 at Alvin Castillo, 45 habang kapwa tumutulong upang apulain ang apoy.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog ala-1:32 ng hapon sa bahay na pag-aari ni Joselito Cuaderno na inuupahan naman ng ina ng sanggol na nasawi na si Christine, 26 sa Satima Compound, Fatima Village, Brgy. Talon 2, Las Piñas City.
Mabilis na kumalat ang apoy sa dikit-dikit at gawa sa mga light materials kabahayan.