Sundalo dinukot ng NPA

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bago nangyari ang pagdukot kay Salan dakong alas-3:40 ng hapon ng mahigit 15 rebelde sa Brgy. Budlingin ay katatapos lang nito kasama ang ilang kabataang sa isinagawang clean-up drive sa bisinidad ng Lumondo Falls, isang sikat na destinasyon na dinarayo ng mga turista.
File Photo

MANILA, Philippines -  Isang sundalo na mi­yembro ng Peace and Deve­lopment Team ang dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte kamakalawa.

Ang kinidnap na biktima ay kinilalang si Pfc Erwin Salan, miyembro ng Army’s 30th Infantry Battalion  (IB) na nakabase sa nasabing  bayan.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bago nangyari ang pagdukot kay Salan dakong alas-3:40 ng hapon ng mahigit 15 rebelde sa Brgy. Budlingin ay katatapos lang nito kasama ang ilang kabataang sa isinagawang clean-up drive sa bisinidad ng Lumondo Falls, isang sikat na destinasyon na dinarayo ng mga turista.

Ang mga  rebeldeng bumihag sa nasabing sundalo ay mga miyembro ng NPA Sandatahan Yunit Pampropaganda (SYP) Lumad, Front Committee  16, North Eastern Min­danao Regional Committee (NEMRC) sa ilalim ng pamumuno ni Florencio Llano alyas Comman­der Ricky.-Joy Cantos,

 

Show comments