Sundalo dinukot ng NPA
MANILA, Philippines - Isang sundalo na miyembro ng Peace and Development Team ang dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte kamakalawa.
Ang kinidnap na biktima ay kinilalang si Pfc Erwin Salan, miyembro ng Army’s 30th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa nasabing bayan.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bago nangyari ang pagdukot kay Salan dakong alas-3:40 ng hapon ng mahigit 15 rebelde sa Brgy. Budlingin ay katatapos lang nito kasama ang ilang kabataang sa isinagawang clean-up drive sa bisinidad ng Lumondo Falls, isang sikat na destinasyon na dinarayo ng mga turista.
Ang mga rebeldeng bumihag sa nasabing sundalo ay mga miyembro ng NPA Sandatahan Yunit Pampropaganda (SYP) Lumad, Front Committee 16, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa ilalim ng pamumuno ni Florencio Llano alyas Commander Ricky.-Joy Cantos,
- Latest