^

Police Metro

Anti-illegal drugs ng PNP, binuwag

STARTALK - Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa
Anti-illegal drugs ng PNP, binuwag
Nakapila sa harap ng opisina ng PNP Anti-Illegal Drugs Group ang mga miyembro nito sa Camp Crame matapos iutos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang AIDG dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-Joon.
Boy Santos

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng “internal cleansing” laban sa mga police scalawags ay binuwag ni PNP Chief Director General Ro­nald Dela Rosa ang PNP-Anti Illegal Drug Group (AIDG) at maging ang lahat ng anti-drug units sa regional, provincial city at station level.

Ito ay matapos na iutos ni Pangulong Duterte at ibabalik ang Narcotics Command (Narcom) na kung saan ay itinalaga din ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang “overall head” sa anti-illegal drugs campaign at ang anti-narcotics unit ng PNP na dapat makipag-ugnayan sa PDEA.

Ayon kay Dela Rosa na pansamantalang inalis muna ni Pangulong Duterte ang kapangyarihan ng PNP para mag-operate kontra illegal na droga at  sa halip ay ipinakakalos muna ang mga scalawags o tiwa­ling parak.

Dismayado naman si PNP-AIDG Director P/Chief Supt. Albert Ignatius Ferro sa pagkabuwag ng kanyang opisina na pinag-ukulan niya ng mahabang panahon, su­balit nirerespeto niya at susundin ang desisyon ni Pangulong Duterte.

Ang pagbuwag sa PNP-AIDG ay matapos mabulgar na sangkot sa gawaing kriminal ang ilan nitong mga tiwaling opisyal at tauhan kabilang na dito ang pagdukot sa South Korean trader na si Jee Ick-joo sa Angeles City noong Oktubre 2016 kung saan ang biktima ay pinaslang sa loob mismo ng Camp Crame.

Kabilang sa mga isinasangkot sa tokhang for ransom sa pagdukot at pagpatay kay Ick-joo sa pekeng anti-drug operation ay sina Supt. Raphael Dumlao, SPO3 Ricky Sta Isabel, SPO4 Roy Villegas, PO2 Christopher Baldovino at iba pa.

ANTI-ILLEGAL DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with