Ginang na lumagpas sa babaan tumalon sa bus, patay

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang ginang na tindera ng gulay matapos tumalon sa bus nang lumagpas siya sa babaan naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Edsa, Quezon City.
File photo

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang ginang na tindera ng gulay matapos tumalon sa bus nang lumagpas siya sa babaan naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Edsa, Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Purita Morga, 49, may-asawa,vendor ng Purok Maligaya Veronica, QC.

Nasa kustodya na ng pulisya ang bus driver na si Edmund Salcedo, 51, may-asawa ng Interior St., Bayugo, Meycauayan, Bulacan.

Patay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-10:45 ng umaga sa kahabaan ng Edsa, partikular sa harap ng LRT Station sa Brgy. Apolonio Samson ay ?atabi na umano ang bus sa nasabing lugar para magbaba at magsakay ng pasahero.

Nasa gawing likurang pintuan ang biktima at hindi agad ito nakababa kaya’t sa pag-andar ng bus ay tumalon ito na kung saan ay nadulas at tumama ang ulo sa gutter dahilan para ito ay mabagok.

Kabilang sa tinitingnan ng mga otoridad ang posibleng pagmamadali ng biktima na bumaba ng bus habang umaandar pa ito dahil mamimili sa Balin?awak Market at lumampas ito.- Ricky Tulipat-

Show comments