MANILA, Philippines – Ngayong umaga isasagawa ang pagdaraos ng Miss Universe coronation at handang-handa na ang lahat ng inilatag ng seguridad para dito.
Ito ang sinabi ni PCOO Assistant Sec. Ana Marie Banaag at walang kumpirmasyon kung dadalo si Pangulong Duterte ngayong alas-8:00 ng umaga sa MOA Arena.
Naunang sinabi ni Toursim Sec. Wanda Teo noong courtesy call sa Malaca?ng ng Miss U candidates na mayroon silang naka-reserbang upuan para kay Pangulong Duterte sakaling manood ito ng pageant.
Sinabi pa ni Teo, sa tabi niya ang nakareserbang upuan para kay Pangulong Duterte sa unahan kung sakaling magdesisyon itong manood ng Miss U pageant ngayong umaga.
Ayon sa source sa Palasyo, malaki ang posibilidad na manood si Duterte sa Miss Universe dahil dito sa ating bansa ito ginawa sa pagtatagu?od ng private sponsors na pinangunahan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Sinabi pa ni Sec. Teo, na walang ginastos na government funds para dito ganapin ang Miss Universe dahil ito ang kondisyon ni Pangulong Duterte.
Suspendido na rin ang permit to carry firearms outside resident (PTCFOR) sa siyudad ng Pasay at Para?que sa ipinapatupad na seguridad sa pagdarausan ng Miss Universe.
Sinabi ni Chief Supt. Oscar Albayalde, Director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), na ang suspension ay base sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa bilang proteksyon sa seguridad sa magaganap na malaking event sa Pasay.
Ang suspension ay ipapatupad simula (kahapon) January 29 hanggang January 30, 2017 ng alas-12:00 ng hatinggabi.
Sa kautusan ay tanging ang hanay ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies na gumaganap ng kanilang tungkulin na nakasuot ng itinalagang uniporme ang papayagang magdala ng armas.