^

Police Metro

Abu Sayyaf Commander kritikal sa air strike operations

Joy Cantos - Pang-masa
Abu Sayyaf Commander kritikal sa air strike operations
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año, nakatanggap sila ng intelligence report na malubhang nasugatan si Hapilon sa nasabing surgical operation upang durugin ang teroristang grupo.
File photo

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan umano ang lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na si Commander Isnilon Hapilon matapos itong masugatan sa inilunsad na air at ground strike operations ng tropa ng militar sa pinagkukutaan ng grupo nito, Maute terror group at maging ng mga dayuhang terorista sa Butig, Lanao del Sur.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año, nakatanggap sila ng intelligence report na malubhang nasugatan si Hapilon sa nasabing surgical operation upang durugin ang teroristang grupo.

Una nang ibinulgar ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakipag-alyansa na sa Islamic State of Iraq and Syria si Hapilon at ngayo’y nasa Butig  kasama ang kaniyang mga armadong tauhan upang mag-recruit ng mga sasapi sa teroristang grupo na kinabibilangan nito.

Nag-umpisang mag­lunsad muli ng opensiba ang tropa ng militar laban sa magkakaal­yadong teroristang grupo na natukoy ang kampo sa Butig, Lanao del Sur nitong Huwebes kung saan nasa ikatlong araw na ang operasyon.

Sa tala ng militar, umaabot na sa 13 sundalo ang nasugatan sa bakbakan habang pinaniniwalaan namang nalagasan rin ng mala­king puwersa ang mga kalaban.

Ayon naman kay Col. Edgard Arevalo, Chief ng AFP Public Affairs Office sa pamamagitan ng surgical ope­rations ay mapi­pigilan ang grupo na magtatag ng Daesh terror group, nasa ilalim ng ISIS sa nasabing rehiyon.

ISNILON HAPILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with