^

Police Metro

Lider ng terorista, napatay

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon  ng Philippine National na napatay sa engkuwentro ang top leader ng  pro-ISIS terror group Ansar al-Khilafah Philippines (AKP) na umano’y may ugnayan sa Islamic State of State of Iraq and Syria (ISIS) habang naaresto ang tatlo nitong kasamahan  matapos na makasagupa ang security forces sa Kiamba, Sarangani kahapon ng madaling araw.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Mohammad Jaafar Maguid alyas Tokboy, lider ng nasabing teroristang grupo na nago-operate sa Central Mindanao.

Ayon kay Sr. Supt. Romeo Galgo, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 12, arestado rin sa operasyon  ang mga  tauhan ni Maguid na sina Ismael Sahak alyas Mael, Matahata Dialawe Arboleda at  Morhaban Veloso alyas Bugoy.

Ang suspek ay isang sympathizer ng ISIS na bagaman sinasabi nito na may ugnayan sa nasabing teroristang grupo ay patuloy nilang beneberipika kung talagang may koneksyon ang suspek sa natu-rang international terrorists.

Nabatid na bandang alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng National Intelligence Coordinating Agency  at iba pang police units sa Angel Beach Resort sa Brgy. Kitagas Kiamba nang makatanggap ng impormasyon na si Maguid at mga kasamahan nito ay natunton sa nasabing beach resort na pinaniniwalaang nagplaplano nang paghahasik ng terorismo.

“Nung maa-arrest na siya, tinakbo niya ‘yung kanyang baril para kunin at doon siya na-neutralize,” pahayag ng opisyal matapos ang maikling palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang M16 rifles, isang granada, 18 magazine, walong magazines, bandoliers, sari-saring mga bala at mga dokumento na may kinalaman sa terorismo.

PHILIPPINE NATIONAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with