MANILA, Philippines – Nasawi ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang apat pa ang sugatan nang makipagsagupa sa tropa ng pamahalaan nang kanilang atakihin ang Army detachment na ang labanan ay tumagal ng halos 10 oras sa Datu Salibo, Maguindanao.
Sa ulat na natanggap ni Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang inisyal na impormasyon mula sa field ay nagsasaad na apat na miyembro ng BIFF ang nasawi at apat ang nasugatan mula sa grupo na nagsimula ang sagupaan noong alas-7:40 ng gabi Biyernes at nagtapos ng alas-5:00 noong umaga ng Sabado.
Lumalabas na ang pag-atake ng BIFF ay bilang resbak sa tagumpay na operasyon na isinasagawa ng AFP noong nakaraang mga araw na ikinasawi ni Tamarin Esmael alyas Kumander Tamarin Vice-Chairman ng BIFF.
Giit ng opisyal, ang grupo ng BIFF ay ang break away group na matagal nang tinutugis ng kanilang tropa dahil dito nanggagaling umano ang support na binabanggit nilang ISIS o ang Al-Qaida.
Sila ang itinuturing na peace spoiler matapos makasama nila sa usapang pangkapayapaan na kalaunan ay tumalikod dahil ayaw nilang maging mapayapa ang usapan at naging ugat pa ng mekanismo na tumutulong sa mga grupong tero?ista tulad ng Maute group at ang karamihan sa mga pambobomba sa Cotabato at Maguindanao.