^

Police Metro

Lola natusta, 3 sugatan: 1,000 pamilya nasunugan sa NIA Road

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa 1,000 pamilya ang nawalan ng tahanan, habang isa  74-anyos na lola ang nasawi at  tatlo pa ang nasugatan sa halos anim na oras na sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa NIA Road, Bgy. Pinyahan, Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si   Corazon Tioson, alyas Goring, na halos hindi na makilala dahil sa labis na pagkakasunog sa buong katawan.

Ang mga sugatan naman ay sina Cherry Velasno, 29; Albert Holunberyo, 28, at SFO2 Benhur Agatep .

Ayon sa ulat, ang sunog ay naganap sa kahabaan ng NIA Road, Brgy. Pinyahan, sa Quezon City dakong alas-7:25 ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Romano Ginayo na umano’y malapit sa  tinutuluyan ng biktima.

Dahil sa gawa sa light materials ang mga kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang mga katabing bahay na gawa rin sa tagpi-tagping materyales.

Sa lawak ng lugar at dami ng mga nakatira ay naging makitid ang daan kung kaya nahirapan ang mga rumispondeng bumbero na agad na maapula ang apoy hanggang sa tuluyang lumaki na ito at itaas ang alarma.

Umabot sa  Task Force Delta ang alarma ng sunog na idineklara ng fire out, ganap na ala-1:22 ng madaling araw kahapon.

Sa ginawang clearing operation ng BFP ay saka nadiskubre ang bangkay ng lola na sunog na sunog sa loob ng kanilang bahay.

Samantala, aabot sa 500 bahay ang naabo at nasa mahigit 1,000 pamil­ya ang naapektuhan sa naturang insidente.

Patuloy ang pagsisiyasat ng BFP upang mabatid ang sanhi ng nasabing sunog.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with