MANILA, Philippines – Tinututukan at bibigyang solusyon ng Philippine National Police (PNP) ang unang kaso ng media killing sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tiniyak kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos mapaulat ang insidente ay agad nilang iniutos sa PNP na aksyunan at resolbahin ang kaso.
Siniguro rin ng opisyal na lahat ng anggulo ay tinitingnan sa pagpaslang kay Larry Que na isa ring pulitiko, businessman at publisher sa Cantanduanes.
“We are digging Mr. Larry S. Que’s background as a politician and a businessman because his paper is just 2 weeks old,” pahayag pa ng opisyal.
Magugunita na si Que ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Virac, Catanduanes kamakailan.