^

Police Metro

Rider utas sa mixer truck

PEOPLE PLACES - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang motorcycle rider dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan matapos mabangga ng  cement mi­xer truck sa panulukan ng Osmeña Highway at San Andres St., San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinila­lang si Joshua Mari Webb, 24, call center agent at residente ng no. 1255 Gonzales St., Malate, Maynila.

Ang suspek na  nasa kustodya ng Manila District Traffic Enforcement Unit ay kinilalang si Mario Lamigas, 56, ng Peakson Mia East Road, Tikling, Taytay, Rizal, driver ng cement mixer truck (AGA-9344).

Batay sa ulat, nangyari ang aksidente dakong alas-3:40 ng madaling araw sa Osmeña Highway bahagi ng Pedro Gil kanto ng Tejeron St., Sta. Ana, Maynila nang salpukin ng mixer truck ang motorsiklo ng biktima.

Tumakas ang suspek, subalit naging mabilis ang pagresponde ng mga tauhan ng Skyway Au­xillary na sina Andres Gragasin at John Dato-on kaya agad nadakip ang suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resul­ting in homicide.

OSMEñA HIGHWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with