MANILA, Philippines – Kasunod ng patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at galawang ng presyo ng krudo sa international market ay inaasahan ang malaking pagtataas sa mga presyo ng produktong petrolyo sa bansa ngayong papasok na linggo.
Sa pagtataya ng mga oil experts, inaasahan na maglalaro sa P1.40-P1.60 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina, P1.10-P1.20 sa kada litro ng diesel at P1.30-P1.40 sa bawat litro naman ng kerosene dahil sa patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra sa dolyar.? Nasa P49.85- US$1 ang palitan kahapon ng piso kontra dolyar.
Kabilang din sa dahilan ang pagbalanse ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado dahil sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa posibleng pagpayag ng OPEC (Organization of Oil Producing Countries) na magkaroon ng limitasyon ang pinoprodyus nilang krudo sa dara?ing na konbensyon sa Vienna sa Nobyembre 30.