DU30 papapasukin ang foreign investors sa sektor ng kuryente at telcoms

MANILA, Philippines - Isang yunit ng Yellow Bus Line ang sinunog ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army sa Purok 7, Sitio Nama, Brgy. Katubao, Kiamba, Sarangani Pro­vince, kahapon.

Batay sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga nang harangin ng sampung armadong lalaki ang bus na bumabaybay sa national highway ng Brgy.Lomuyon na galing ng General Santos City.

Pagdating sa Sitio Nama ng Barangay Katubao sa nasabing bayan ay sinilaban ang bus.

Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa nangyari insidente.

Ito na ang ikalawang beses na may sinunog na unit ng YBL sa buwang ito, ang una ay noong November 13.

Show comments