MANILA, Philippines – Dahil sa umano’y malapit nang paglabas ng subpoena kay Senador Leila De Lima sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) ay tiniyak ng Department of Justice na haharap ito sa pagdinig.
Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre dahil sa mailalabas ang subpoena sa linggong ito laban sa senadora.
Kaya’t maoobliga na ang senadora na humarap sa five-man panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sa isyu ng illegal drug trade sa NBP.
Nakatakdang harapin ng senadora ang apat na reklamong inihain ng ilang complainant, kabilang na ang VACC at ang kampo ng inmate na si Jaybee Sebastian.
Positibo si Aguirre na haharap si De Lima sa preliminary investigation lalo’t ito raw ang naghahamon dati na sampahan siya ng kaso kaysa isalang sa congressional inquiry.