^

Police Metro

Suplay ng sibuyas, sapat - DA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sapat umano ang suplay ng sibuyas at walang nagaganap na krisis sa lalawigan ng Nueva Ecoja.

Ito ang nilinaw ni Serafin Santos, hepe ng Office of Provincial Agriculture ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa napabalitang may krisis sa sibuyas sa lalawigan dahil sa umanoy nagaganap na hoarding sa  probinsya.

“Walang katotoha­nan ang ibinibintang na pagtatago ng sibuyas sa mga  imbakan dito at maayos na napapangasiwaan ng mga sibuyas farmers ng Nueva Ecija ang pagkakaroon ng patuloy na sapat na suplay ng  produkto kayat walang krisis ng  sibuyas sa lalawigan” ni Santos.

Niliwanag ni Santos na noong nagdaang Agosto ngayong taon ay nag-anihan ng sibuyas at  kasalukuyang nagtatanim na ang mga magsasaka kaya hindi sila apektado ng mababang presyuhan sa ngayon ng sibuyas.

Kaya’t ang talagang maaapektuhan ay yung mga traders at hindi ang mga magsasaka dahil ang mga nakaimbak na sibuyas ngayon ay pag-aari ng mga traders.

Nanawagan naman si Nueva Ecija Governor Czarina “Cherry” D. Umali sa Malakanyang na tiyakin ang proteksyon sa mga magsasaka laban sa pamemeste at unos na pumipinsala sa kabuhayan dahil ang lalawigan ang pangunahing producer ng sibuyas sa buong bansa dahil humigit-kumulang 1,577 ektarya ang sibuyasan ng buong probinsya.

OFFICE OF PROVINCIAL AGRICULTURE NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with