^

Police Metro

Sen. Joel sibakin - Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa
Sen. Joel sibakin - Ombudsman
Dahil umano’y ma­ling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng P10 milyon noong 2008 ay pinasisibak sa puwesto ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si Senador Emmanuel Joel Villanueva.
File photo

MANILA, Philippines - Dahil umano’y ma­ling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng P10 milyon noong 2008 ay pinasisibak sa puwesto ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si Senador Emmanuel Joel Villanueva.

Napatunayang guilty umano si Villa­nueva sa kasong grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the interest of the service.

Bukod dito ay pinakakasuhan na ng Ombudsman si  Villanueva  sa Sandiganbayan ng dalawang counts  ng paglabag sa Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019), isang count bawat isa sa kasong  malversation of public funds at malversation thru falsification of public documents.

Bukod kay Villanueva  akusado rin sina dating Department of Agriculture (DA) Secretary Arthur Yap, tauhan ni  Villanueva na si  Ronald Samonte, DA employee Delia Ladera, NABCOR representatives Alan Javellana, Romulo Relevo, Ma. Julie Villaralvo-Johnson, Rhodora Mendoza, at Maria Ninez Guanizo gayundin si Aa­ron Foundation Philippines, Inc. (AFPI) President Alfredo Ronquillo.

Napatunayan ng Ombudsman investigators na noong June 10, 2008,  ang Department of Budget and Management ay nagpalabas ng P10 million  bilang bahagi ng PDAF  ni Villanueva para gamitin sa pagpapatupad ng agri-based livelihood projects sa iba’t ibang congressional districts sa Region XI.

Nadiskubre ng Ombudsman na ang naturang mga lokalidad ay hindi akma na pagtamnan ng halaman dahil ang mala­king bahagi ng lupain doon ay okupado na ng mga punong saging at punong niyog.

Nalaman din na ang mga naitalang benepis­yaryo ng proyekto ay hindi nakatira sa naturang mga bayan at nakumpirma ng mga local officials doon  na walang naipatupad na  agri-based livelihood projects  sa kanilang bayan na inimplementa ng  AFPI. 

Ayon sa Ombudsman kahit na sinabi ni Villanueva na pineke ang kanyang lagda sa mga dokumento sa mga transaksiyon ng proyekto, nagawa naman nitong direktahang piliin ang NABCOR at AFPI na magpatupad sa  livelihood projects kayat naproseso ang paglalabas ng pondo para rito.

JOEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with