Sundalo nakipag-away sa GRO, dedo

MANILA, Philippines – Isang sundalo na umano ay miyembro ng Phi­lippine Marines ang nasawi nang saksakin ng  mga suspek habang nasugatan ang dalawang kasama nito matapos na makatalo ang babae na umano ay isang guest relation officer (GRO) ng isang bar sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng mada­ling araw.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Pvt. Gilbert Gonzales, 23, ng Barangay Palma Perez, Mlang, North Cotabato. Nasugatan naman ang dalawang kasamang sibilyan na sina Ronnie Proponga, 40; at Randy Pajarillio.

Bago ang krimen, dakong alas-2:00 ng mada­ling araw ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang mga biktima sa isang GRO na agad namang sinita ng mga nasa loob ng bar. Nang papalabas na ang mga biktima ay pinagtulungan na silang bugbugin at pagsasaksakin ng mga hindi pa kilalang grupo ng mga kalalakihan.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinala sa ospital, subalit makalipas ang ilang oras ay binawian na ng buhay si Gonzales.

Show comments