Tserman inutas ng tandem

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 57-anyos na barangay chairman nang ito ay barilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo  habang magtatayo sana ng Christmas tree kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Brgy.100 Chairman Alberto Carpio, 57, residente ng  no. 124 Del Pilar Street, Magsaysay Village, Tondo.

Hindi namukhaan ang dalawang lalaking suspek na magkaangkas sa motorsiklo dahil kapwa nakasuot ng helmet.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-4:40 ng hapon sa panulukan ng  Jacinto  at Roxas Sts., sa Magsaysay Village, Tondo ay naglalakad ang biktima sa kaniyang nasasakupan para sa itatayong Christmas tree nang matunugan na may bumubuntot sa kaniya at  bago pa umano makalingon ay pinaputukan na siya ng mga suspek.

Nang bumagsak ang biktima ay humarurot na ang mga suspek sa direksiyon ng Road 10.

Show comments