^

Police Metro

Leila naghain ng writ of habeas data vs Du30

VERBAL VARIETY - Rudy Andal, Malou Escudero, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Leila naghain ng writ of habeas data vs Du30
Nais ni Senator Leila De Lima na itigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang di umano’y pangangalap ng impormasyon laban sa kanyang personal na buhay at paggamit ng mga ito para wasakin ang kanyang dignidad bilang isang tao, isang babae at isang senador kung kaya’t naghain kahapon ng umaga ng writ of habeas data sa Supreme Court.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Leila De Lima na itigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang di umano’y pangangalap ng impormasyon laban sa kanyang personal na buhay at paggamit ng mga ito para wasakin ang kanyang dignidad bilang isang tao, isang babae at isang senador kung kaya’t naghain kahapon ng umaga ng writ of habeas data sa Supreme Court.

Sinabi ni De Lima na hindi dapat umano ginagamit ni Duterte ang kanyang posisyon sa kanyang “personal evil designs” laban sa isang babae.

Inamin din ni De Lima na nagiging isang bangungot ang kanyang buhay dahil kay Duterte at ang paglapit niya sa Korte Suprema ay ta­nging paraan para iwaksi ang demonyong pilit ginagawang bangungot ang buhay niya.

Sa kanyang petisyon, inihalimbawa ni De Lima ang mga pagkakataon kung saan paulit-ulit umanong inatake siya ng Pangulo sa pamamagitan ng pananalita nito.

Binanggit din ni De Lima ang diumano’y pinag-ugatan ng personal na galit sa kanya ng Pangulo noong inimbestigahan niya ang Davao Death Squad bilang dating chairman ng Commission on Human Rights.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Ernesto Abell na nais lamang ilihis ni De Lima ang isyu sa kanya kaya ito bumuwelta kay Pangulong Duterte.

Pinapalutang lamang ni De Lima na siya ay biktima at hindi isang akusado kaya naghain ito ng writ of habeas data sa Korte Suprema.

Dahil sa ginagawang pag-iingay ni De Lima gusto nitong makakuha ng media attention dahil sa kanyang press confe­rence at inakusahan pa nito ang Pangulo na isang berdugo at pasimuno ng umanoy extra judicial killing sa bansa dahil sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na operasyon ng droga sa bansa.

Magugunita na noong Biyernes ay kinasuhan ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian ng graft at criminal charges si De Lima at former prison officials sa Department of Justice (DOJ) dahil sa illegal drug trade sa NBP.

LEILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with