MANILA, Philippines – Isang pulis ang nasawi makaraang tambangan ng riding-in tandem na mga armadong salarin habang papasok sa kaniyang duty sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Philippine Army Hospital ang biktimang si P03 Alberto Canon, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-7) ng Parañaque City Police, nagtamo ito ng ilang tama sa batok at balikat buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Jose Carumba, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-8 ng gabi sa West Service Road, malapit sa Zueling Corporation sa Brgy. Sun Valley ng nasabing lungsod habang minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo ng pagbabarilin ng mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo.
Naghihinala naman ang pulisya na may kinalaman sa Oplan Tokhang na kabahagi ng istratehiya sa anti-drug campaign ng PNP ang krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.