MANILA, Philippines - Nakakuha ng kakampi ang buong Philippine National Police (PNP) sa pag-akusa sa kanila na isang institusyon ng police brutality sa katauhan ni Senador Ping Lacson.
Ayon kay Lacson na unfair na akusahan ang buong PNP bilang isang institusyon ng police brutality dahil sa ginawang pagsagasa ng isang police mobile sa mga raliyesta sa harapan ng US embassy kamakalawa.
“I think it’s unfair to the Philippine National Police as an institution to be accused of police brutality,” ani Lacson.
Ipinagtanggol din ni Lascon ang driver ng police mobile at sinabing “judgement call” ang ginawa nito na posibleng nakaramdam ng takot kuyugin ng mga nagpo-protesta.
Idinagdag din ni Lacson na personal na desisyon ng driver ng van ang ginawa nito kahit pa may pinaiiral na maximum tolerance o wala.
Kumalat sa social media ang video nang pananagasa ng isang pulis sa mga ralisyista.