Brazilian tiklo sa P30-M cocaine sa airport

Ang suspek ay kinilalang si Yasmin Silvam ng Sao Paolo, Brazil na nasa kustodya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
RUDY SANTOS

MANILA, Philippines – Isang 19-anyos na dalagang Brazilian ang nadakip ng mga anti-drug operatives ng dahil sa  pagdadala nito ng higit sa anim na kilong cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City kamakalawa.

Ang suspek ay kinilalang si Yasmin Silvam ng Sao Paolo, Brazil na nasa kustodya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Batay sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon nang lumapag sa  NAIA Terminal 3 ang eroplano ni Silva na agad inaresto ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG).

Nang isailalim ang kanyang luggage bag ay nadiskubre ang nasa 6.3 kilo ng cocaine sa loob ng isang itim na unan na kasama sa laman ng kanyang checked-in baggage. Tinatayang nagkakahalaga ng P30 milyon ang naturang kontrabando.

Sa ulat naman ng Bureau of Immigration Border Management Security Unit, nakatanggap sila ng mensahe dakong alas-11:00 ng Sabado ng umaga mula sa United States Drug Enforcement Agency (USDEA) sa pagdating sa Pilipinas ng isang pasaherong Brazilian na hinihinalang may dalang iligal na droga.

Show comments