^

Police Metro

60-anyos preso natigok sa selda

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa siksikan sa selda sa rami ng nakakulong ay namatay ang isang 60-anyos na preso matapos atakehin sa puso sa loob ng selda ng Manila Police District-Station 1-Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Ernesto Solon, may  kasong theft at may  10 araw pa lamang na nakapiit, residente ng  no. 89 Hel­ping Complex St., Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-4:33 ng hapon ay  nakaramdam nang panghihina at pagsisikip ng dibdib ang biktima sa loob ng piitan ng  Raxabago (MPD-Station 1) kaya’t agad itong dinala sa nasabing ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Tanging pigsa lamang sa katawan ang nakita sa katawan ng biktima at walang anumang indikasyon na sinaktan o pinahirapan.

Nabatid na siksikan at mainit ang piitan kaya nagkaroon ng mga pigsa ang biktima na posibleng dahilan din kaya inatake ng sakit sa puso ang biktima na noong Oktubre 5 lamang ikinulong sa reklamong pagnanakaw.

MANILA POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with