MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa dating driver/bodyguard ni Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali na magpapatuloy ang imbestigasyon ng iba’t ibang sub-committees ng kanilang lupon sa mga usapin ng katiwalian gayundin ang pamamayagpag ng mga droga at gang sa mga kulungan.
Ito ang dahilan kaya umano kailangan pa rin ang testimonya ni Dayan kung saan mayroon silang mapupulot dito para makatulong sa pagbuo ng reporma sa kabuuan ng penal system ng bansa.
Magugunit na si Dayan ang itinuturong tumanggap ng drug money ni dating Justice Secretary Leila de Lima mula sa mga drug lords sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Sa hindi pagsipot ni Dayan sa pag-iimbestiga ng komite ay nagpalabas ng warrant of arrest ang Kamara.