^

Police Metro

10 lalawigan signal number 3... 3 katao todas sa bagyong Karen

Pang-masa
10 lalawigan signal number 3... 3 katao todas sa bagyong Karen
Nasa larawan ang mga mangingisda habang inililigpit ang kanilang mga bangka sa ligtas na lugar sa Manila Bay kaugnay ng pagbayo ng bagyong Karen.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Nalibing ng buhay ang tatlo katao kabilang ang dalawang bata matapos na matabunan ng gumuhong tone-toneladang bato sa landslide sa Binangonan, Rizal sa kasagsagan ng pananalasa ng tropical storm Karen sa Southern Luzon.

Sa report ni Major Virgilio Perez Jr., Public Information Officer ng AFP Southern Luzon Command, dakong alas-10 ng gabi nang mangyari ang insidente kamakalawa sa gitna na rin ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot  ng bagyong Karen.

Kinilala ni Perez ang mga nasawi na sina Arcille Latoja, 26 anyos; Rex Adrian Latoja, 6 taong gulang at Reynold Latoja, 3 anyos; pawang mula sa iisang pamilya.  Ang mga ito ay pawang nahukay ang mga bangkay sa search and retrieval operations ng Army Southern Luzon Command. Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nasugatang biktima na si Luisito Oliveros, 38 taong gulang.

Sa report na tinanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlong kabahayan  ang natabunan sa pagguho ng mga bato sa Brgy. Ithan, Binangonan.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa mga opisyal ay naka-preposition na ang mga sundalo mula sa Southern Tagalog at Bicol Regions para sa rapid deployment  para tumulong sa mga residente na maapektuhan ng bagyo.

Sa panig naman ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, tiniyak nito ang kahandaan ng kanilang  mga tauhan sa humanitarian and disaster response sa mga lugar na binabayo ng bagyong Karen. Nitong Biyernes ng gabi ay una nang isinailalim ng NDRRMC sa red alert status ang kanilang mga Regional Offices sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Kabilang dito ay ang sampung lalawigan na nasa ilalim ng signal number 3, number 2 at signal number 1 habang nagbabanta si Karen sa mga lalawigan sa Central Luzon.
Nabatid na nasa 4,000 ang mga pasahero na stranded sa mga pantalan sa Bicol Region  at iba pang lugar sa Southern Tagalog tulad sa Batangas pier. Halos aabot naman sa 200 biyahe ng mga  eroplano ang nakansela bunga ng hagupit ng bagyo.

Nakataas na ang tropical cyclone signal number three (3) sa Catanduanes, Camarines Norte, Northern Quezon, kasama na ang Polilio island, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac, Pangasinan, Aurora at Northern Zambales.

Signal number two (2) naman sa nalalabing bahagi ng Quezon, Camarines Sur, Albay, Rizal, Nueva Ecija, Quirino, La Union, Benguet, Catanduanes, Bulacan, nalalabing parte ng Zambales, Pampanga, Ifugao. Benguet at Southern Isabela.

 Samantalang signal number one (1) pa rin sa Sorsogon, Masbate, kabilang na ang Ticao at Burias Island, Isabela, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Metro Manila, Pampanga, Bataan, Ifugao at Northern Samar.

BAGYONG KAREN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with