3 magkakapatid dedo sa Oplan Tokhang
MANILA, Philippines - Kapwa dead-on-the- spot ang tatlong magkakapatid na lalaki na nasa drug watch list ng pulisya matapos umanong manlaban sa isinagawang One Time-Big Time at Oplan Tokhang ng Manila Police District-Station 11, sa Delpan, Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang magkakapatid na suspek ay kinilalang sina JC, 33; Armando, 30; at Domingo Morales, 28, pawang residente ng no. 72 San Miguel St., Delpan, Binondo.
Batay sa ulat, bago nangyari ang barilan dakong alas-11:30 ng umaga ay kinatok ng mga pulis ang bahay ng magkakapatid at sa pagbukas ng pinto ay pinaputukan umano ng mga ito ang mga pulis, subalit walang tinamaan.
Kaya’t gumanti ang mga pulis sa magkakapatid at napatay ang mga ito.
Narekober mula sa kanila ang tatlong kalibre 38 baril at mga sachet ng shabu na aabot sa 50 gramo.
- Latest