Bodyguard ng gob, timbog sa shabu

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga ahente ng PDEA ang isang bodyguard ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri matapos na mahulihan ng shabu sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Labuagon, Kibawe, Bukidnon sa isinagawang search warrant.

Ang suspek ay kinilalang si Marlou Madrial at nakuha dito ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P112,500 gayundin ang isang kalibre .45 na pistol, mga drug paraphernalias at ilang bala.

Nabatid na nagtatrabaho si Madrial bilang bodyguard ni Zubiri at administrative aide 4 ng Bukidnon provincial go­vernment.

Dinampot din ng PDEA ang mga nasa loob ng bahay ni Madrial na sina Dave Tompong, Richard Taborada, Romel Montaño at Lino Tompong.

Show comments