Parak todas sa tandem

MANILA, Philippines – Isang aktibong kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi matapos barilin ng hindi pa nakilalang angkas sa motorsiklo kamakalawa sa Barangay Lower Irasan, Roxas, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi noon din ay kinilalang si PO3 Felomino Sardane Sedrome, nakadestino bilang imbestigador sa Roxas Municipal police station.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pananambang dakong alas-8:00 ng umaga ay sakay ng motorsiklo ang biktima nang sumulpot ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang suspek na naka-jacket na pula at dito ay bumunot ang angkas at pinagbabaril ang biktima.

Inaalam ng mga otoridad kung may kinalaman sa trabaho nito bilang pulis ang dahilan sa pagpatay sa biktima.

Show comments