Barko bumaligtad, 799 pasahero ligtas

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas ang 799 pasahero matapos na aksidenteng bumaligtad ang isang pampasaherong barko na nagmula pa sa Sandakan, Malaysia habang nakaangkla sa pier ng Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nangyari ang insidente dakong alas-9:30 kagabi habang ibi­nababa na ang mga karga nitong vegetable oil.

Ligtas naman ang lahat ng 799 pasahero na sumakay sa M/V Danica Joy 2 ng Aleson Shipping Lines dahil nakababa na rin ang mga ito nang dumating ang barko sa lungsod dakong alas-4 pa ng hapon kahapon.

Nakababa din ang lahat ng mga crew nito kasama ng boat captain na si Diojenes Saavedra.

Sinabi ni  Zamboanga Port Harbor Master Arthur Nogas, ang naturang barko ay may 900 passenger capacity.

Kabilang umano sa mga sumakay sa nasabing barko ang 11 Malaysians, isang Australian kasama ang 603 na mga deportees.

Show comments