^

Police Metro

Opis ng DOTr balak ilipat sa Pampanga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinaplano ngayon ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na ilipat ang kanilang opisina sa Pampanga upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, mababawasan ang mga sasakyan sa lansangan sa Metro Manila kung matutuloy ang paglilipat nila ng kanilang tanggapan sa Angeles City, Pampanga.

“I am willing to transfer the headquarters of the Department of Transportation to Clark, Pampanga in a bid to decongest traffic by relocating government offices” ani Tugade.

Anya, hindi lamang ang mga service vehicle, pribadong sasakyan ng kanilang mga empleyado ang mababawas sa kalsada sa Metro Manila, ma­ging ang mga taong pumupunta at may transaction sa kanilang opisina.

Sa ngayon ang opisina ng DOTr ay matatagpuan sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City kung saan ay maituturing na isa sa mga abalang kalsada at madalas magkaroon ng masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with