Tandem todas sa police checkpoint

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo nang umiwas sa checkpoint o Oplan Sita ng kahapon ng madaling araw  sa Malate, Maynila.

Inilarawan ang mga suspek  na nasa edad 30-40, kapwa may taas na  5’7”, katamtaman ang pangangatawan, ang isa ay nakasuot ng kulay maroon  na t-shirt at kulay gray na short pants habang at ang isa  naman ay nakasuot ng kulay itim na t-shirt, at kulay asul na short pants.

 Bago nangyari ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw  sa harap ng M-Bay Healthy Spa na matatagpuan sa President Quirino Avenue malapit sa Maginhawa St., Malate, Maynila.

Bago sitahin sa checkpoint ang dalawang suspek ay nakatanggap  umano ng tawag ang 911 mula sa isang Ms. De La Cruz dakong alas-2:28 ng madaling araw kaugnay sa dalawang lalaki ng riding-in-tandem na bumubuntot sa kanyang minamanehong  Toyota Grandia habang binabagtas ang Taft Avenue, Malate, Maynila.

Ipinabatid  ang tawag kay P/Sr. Insp. Noel Laranang, Deputy PCP Commander  ng Adriatico  na noon ay  nagmamando ng checkpoint sa nabanggit na lugar.

Namataan nito ang  paparating na dalawang suspek na tumugma sa deskripsiyon ng caller at agad nila itong pinara. Sa halip na sumuko, bumunot ng baril ang nakaangkas  at  itinutok kay PO2 Dean Mark Regala  na mabilis  namang  nakailag.

Dito na gumanti ng  putok ang mga pulis   at pinaputukan ang nakaangkas dahilan para malaglag sa kalsada.

Nang makita ng kasama nito na nakabulagta ang kasamahan dinukot nito ang isang granada sa kanyang bulsa at aktong tatanggalin nito ang “pin” nang paputukan ng mga pulis na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Show comments