Tandem todas sa police checkpoint
MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo nang umiwas sa checkpoint o Oplan Sita ng kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.
Inilarawan ang mga suspek na nasa edad 30-40, kapwa may taas na 5’7”, katamtaman ang pangangatawan, ang isa ay nakasuot ng kulay maroon na t-shirt at kulay gray na short pants habang at ang isa naman ay nakasuot ng kulay itim na t-shirt, at kulay asul na short pants.
Bago nangyari ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw sa harap ng M-Bay Healthy Spa na matatagpuan sa President Quirino Avenue malapit sa Maginhawa St., Malate, Maynila.
Bago sitahin sa checkpoint ang dalawang suspek ay nakatanggap umano ng tawag ang 911 mula sa isang Ms. De La Cruz dakong alas-2:28 ng madaling araw kaugnay sa dalawang lalaki ng riding-in-tandem na bumubuntot sa kanyang minamanehong Toyota Grandia habang binabagtas ang Taft Avenue, Malate, Maynila.
Ipinabatid ang tawag kay P/Sr. Insp. Noel Laranang, Deputy PCP Commander ng Adriatico na noon ay nagmamando ng checkpoint sa nabanggit na lugar.
Namataan nito ang paparating na dalawang suspek na tumugma sa deskripsiyon ng caller at agad nila itong pinara. Sa halip na sumuko, bumunot ng baril ang nakaangkas at itinutok kay PO2 Dean Mark Regala na mabilis namang nakailag.
Dito na gumanti ng putok ang mga pulis at pinaputukan ang nakaangkas dahilan para malaglag sa kalsada.
Nang makita ng kasama nito na nakabulagta ang kasamahan dinukot nito ang isang granada sa kanyang bulsa at aktong tatanggalin nito ang “pin” nang paputukan ng mga pulis na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
- Latest