Nueva Ecija suportado ang federalismo ni Duterte

MANILA, Philippines – Nasa 90% incumbent officials sa lalawigan ng Nueva Ecija ang sumama sa mass oath taking ng local ruling party na Unang Sigaw Party sa pangu­nguna ni dating governor Aurelio “Oyie” Umali para suportahan ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa ilalim ng isinusulong na Federa­lism government ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa 153 local officials ang nanumpa ng katapatan sa partido at suporta sa pederalismo sa pangunguna ni Governor Cherry D. Umali, 20 mayors, 14 vice mayors, 108 councilors, 5 board members at anim na ABC presidents.

Pagkatapos ng pa­nunumpa, muling nahalal ang dating gobernador bilang Party Chairman; Penaranda Mayor Ferdinand Abesamis ang Vice Chairperson; Mayor Lovella DG Belmonte-Espiritu ng bayan ng Zaragoza ang Secretary General; at si Mayor Librado Santos ng bayan ng General Natividad  ang kalihim ng partido.

Nagtalaga rin ang partido ng mga kinatawan sa apat na distrito na  sina Talavera Mayor Nerivi Martinez para sa 1st District; Science City of Munoz Mayor Nestor Alvarez sa 2nd District; Bongabon Mayor Ricardo Padilla sa ikatlong distrito at si Gapan City Mayor Emerson Pascual ang kakatawan sa ikaapat na distrito ng probinsya.

Ayon kay Umali, ang Unang Sigaw Party ay itinatag noong January 25, 2008 bilang isang local political party na nagbuwal sa matagal na paghahari ng Balane Party ng mga angkan ng Joson.

Target umano ng partido ngayon ang pakikipag sanib-pwersa sa administration party na PDP-Laban bilang paghahanda sa tagum­pay ng isinusulong na federalism government ni Pangulong Duterte.

Show comments