^

Police Metro

LP dumistansiya sa ‘impeach Duterte’

Malou Escudero at Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala umanong binabalak ang Liberal Party na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang paglilinaw ni Senator Franklin Drilon matapos matanong tungkol sa sinabi ng Pangulo na balak ng mga “yellow” na patalsikin siya sa puwesto kung saan gagamitin umano ang isyu ng human rights violations.

Sinabi ni Drilon, wala namang tinukoy ang Pa­ngulo kung sinong “yellow” ang gustong magpatalsik sa kanya, pero tiniyak ng senador na kung totoong may banta, hindi dito kabilang ang LP.

Inakusahan ng Pa­ngulo noong Lunes ang LP na kumikilos na umano para matanggal siya sa puwesto kung saan nakisali na rin umano sa isyu ng human rights sina US President Barack Obama at United Nations Secretary General Ban Ki-Moon.

Pinabulaanan din ni dating House Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte na “trojan horse” ang mga LP congressmen sa supermajority at wala rin silang balak ipa-impeach si Duterte.

Paliwanag ni Belmonte, vice chairman ng LP at isa sa 28 sa kabuuang 33 miyembro ng kanilang partido na kasapi sa supermajority sa pangunguna ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Wala anyang basehan ang akusasyon ni Duterte na ginagamit ng LP ang laban sa droga para sirain ang kanyang imahe at maghain ng impeachment laban sa kanya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with