MANILA, Philippines - Walang “green light” si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbitay kay Mary Jane Veloso.
Ito ang paglilinaw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. matapos mabasa ang isang news item ng Jakarta Post na may headline na: “Duterte has given green light for Mary Jane’s execution.”
Sinabi ni Yasay sa huling paragraph ng balita ng Jakarta Post ay nagsabi na: “Veloso was excluded indefinitely from the list of the third round of executions prepared by the Attorney General’s Office (AGO) in April, as legal procedures continue in a separate but related case.”
Binigyang diin ni Yasay na ang pagbitay kay Veloso ay ipinagpaliban.
Iniulat din ng The Jakarta Post na si Veloso ay nakalinya na bibitayin noong nakalipas na taon, subalit ito ay hindi natuloy dahil naaresto ang illegal recruiter nagpadala sa kanya ng maleta na may lamang droga at hiniling sa Indonesian authorties na ipursige ang kasojudicial review sa kaso.
Muling iginiit ni Yasay na hindi ginawa ni Pangulong Duterte na magbigay ng green light sa pagbitay kay Veloso kundi ang sinabi niya lang kay Indonesian President Joko Widodo na iginagalang niya ang kanilang judicial processes at tatanggapin kung ano man ang kanilang magiging pinal na desisyon sa nasabing kaso ni Veloso.