^

Police Metro

Duterte hindi direktang nag -’go signal’ kay Widodo -Yasay

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang “green light” si Pangulong Rodrigo  Duterte para sa pagbitay kay Mary Jane Veloso.

Ito ang paglilinaw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. matapos mabasa ang isang news item ng  Jakarta Post na may headline na: “Duterte has gi­ven green light for Mary Jane’s execution.”

Sinabi ni Yasay sa hu­ling paragraph ng balita ng  Jakarta Post ay nagsabi na: “Veloso was excluded indefinitely from the list of the third round of e­xecutions prepared by the Attorney General’s Office (AGO) in April, as legal procedures continue in a separate but related case.”

Binigyang diin ni Yasay na ang pagbitay kay Veloso ay ipinagpaliban.

Iniulat din  ng The Jakarta Post na si Veloso ay nakalinya  na bibitayin noong nakalipas na taon, subalit ito ay hindi natuloy  dahil naaresto ang illegal recruiter nagpadala sa kanya ng maleta na may lamang droga at hiniling sa Indonesian authorties na ipursige ang kasojudicial review sa kaso.

Muling iginiit ni Yasay na hindi ginawa ni  Pangulong  Duterte na magbigay ng green light sa pagbitay kay Veloso kundi ang sinabi niya lang kay Indonesian Pre­sident Joko Widodo na iginagalang niya ang kanilang judicial processes at tatanggapin kung ano man ang kanilang magi­ging pinal na desisyon sa nasabing kaso ni Veloso.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with