^

Police Metro

Inagurasyon stamp ni Rody inilabas ng PhilPost

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilunsad na ng Phi­lippine Postal Corporation (PHLPost) ang selyo bilang pagpupugay sa makasaysayang inagurasyon at panunumpa ni Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Rizal Ceremonial Hall ng Palasyo ng  Malakanyang sa Maynila sa ganap na ika-12:00 ng hapon noong  Hunyo 30, 2016.

Siya ang ika-apat na Pangulo ng Pilipinas at kauna-unahang Min­danaon na nanumpa sa Palasyo ng Malakanyang.

Bahagi na ng tradis­yon ng PHLPost ang pag­lalabas ng “Inaugural Stamps” ng nanunum­pang Pangulo ng Pilipinas.  Itinuturing na ang selyo ay tagapagtala ng mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan at kultura ng bansa.

Tampok sa naturang “Inaugural Stamps” ang larawan ni Pangulong Duterte na nanunumpa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes kasama ang kanyang bunsong anak kay Honeylet Avanceña na si Veronica, tangan ang kopya ng Bibliya na bigay ng kanyang yumaong inang si Soledad. Kasama din sa larawan ang kanyang mga anak na sina Sara, Paolo at Sebastian.

Naglimbag ang PHLPost ng 150,000 piraso ng sabing selyo at kasalukuyan ng mabibili sa mga sangay ng Post Offices sa bansa sa halagang P17.00.

Kasamang inilabas ng PHLPost ang espesyal na souvenir sheet na limi­tado lamang sa 10,000 kopya ang pagkakalimbag na nagkakahalaga ng P55.00 bawat isa at may sukat na 10 cm x 4.5 cm.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with